Alas onse nang gabi, ika walo nang Nobyembre 2008. Matapos ang isang mahabang araw nang kayod ay naisipan kong maupo at magsulat nang mumunting mga kaganapan na aking napansin sa aking paligid. Kaninang umaga pa lamang ay aligaga na akong isulat ang mga ideyang nagpupumiglas at kumukawala sa aking mumunting isipan. Aaminin ko na hindi ako gaano mahusay magsulat gamit ang wikang Filipino, ni hindi ko kabisado ang tamang pag gamit nang "ng" at "nang" o ang "rin" at "din." (Aking paghingi nang despensa sa aking mga naging guro sa Filipino :D) Ngunit hayaan ninyo sanang gamitin ko ang ating sariling wika, hindi rin naman natin makakaila na ito ay tunay na matalinghaga. Pero ako sana ay inyo ring ipagpaumanhin kung may mga salitang hindi naman maiwasang gamitan ng wikang banyaga o salitang hiram. May mga salita talagang mahirap isalin gaya na lamang nangLaptop, blog, shower o di kayay cellphone.
Hayaan niyong simulan ko ang aking pagsasalaysay sa pamamagitan ng isang bagay na ginagawa ko araw-araw - ang pagsakay nang dyip. Araw araw akong sumasakay nang jip mula Molugan hanggang Cagayan de Oro. Isang Oras. Isang Oras kung walang traffic. Pero kung traffic, swerte na ang isa at kalahating oras. Nakakapagod ang palagiang biyahe at nakakainis ang gitgitan nang mga sasakyan sa kalsada lalo na kung may hinahabol kang oras. Pero hindi naman sa lahat nang pagkakataon ito ay nakakabagot. Marami ka namang magagawa sa loob nang djip. Minsan nga nagiging "extension" na ito nang ating mga sariling tahanan. Ako nga maraming nagagawa sa djip - nagbabasa, nakikinig sa music, kumakain,nagmumuni muni, nagmamatyag at minsan nakikitawa sa mga kasamang pasahero (mabuti sana kung kakilala ko, eh mas madalas hindi. FC lang o feeling close).
Hindi naman ganoon ka haba ang isang oras pero mahigit dalawampung pahina na ang mababasa mo kung magbabasa ka sa isang oras na byahe. Umaabot pa nang tatlumpo o apatnapu depende narin sa font size at laki nang libro o documentong iyong binabasa. Pero hindi rin naiiwasan na may mga magtatanong sa iyo kung nakikita mo pa ba nang maayos ang binabasa mo o kung hindi nalalaglag ang mga letra at mga salita sa bawat pag alog nang sinasakyang djip. At ang pinaka pagsubok ay ang malakas na radyo na tila nakikipagkumpetensya sa mga ideyang nais ipinahihiwatig nang iyong binabasa. Nasa pinaka rurok ka na sana nang istoya nang bigla kang napahinto at napakanta kasabay nang awit na nagmumula sa sterio nang sinasakyang djip. O pwede rin namang dalang dala ka na sana sa nakakaiyak na emosyon nang biglang Gangnam ang naging background music mo. Lalo na siguro kung piilit mong minememorya ang bahagi nang katawan ng isang palaka para sa Biology class mo nang biglang One Direction ang umaalingawngaw sa loob nang djip. O diba challenging.
Pero mas okay narin yung nagbabasa lang sa jip. Minor case palang iyan. Aba may mga kabataan kayang gumagawa rin nang assignment kahit ang bilis nang magpatakbo ni manong driver. Hindi naman siguro sila adik mag aral noh?
(to be continued...)
#11092012Ling
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento