Miyerkules, Agosto 14, 2013

.004 (Kwentong Kalye atbp)

First day of class – LATE. Agad-agad? Diba dapat pag unang araw nang pasukan, excited pumasok? Maagang gigising. Pipiliin ang pinaka magandang pares nang pantalon at t-shirt o blouse. Lilinisin  at pakikintabin ang sapatos.  Excited. Pero di na gaya nung bata pa na excited dahil gagamitin na ang mga bagong notebook at ang bagong bag. Siyempre pag malaki na, lumelevel-up narin ang excitement. Excited sa mga bagong kaklase. Excited sa mga bagong magiging mga kaibigan. At siyempre mawawala ba ang ma excite para magsightseeing nang mga magaganda at gwapo na pwede maging “crush na good for three months”? Pero anong nangyari? Bakit unang araw palang nang pasukan, late na ako agad? Pambihira.

Tapos pagbukas ko nang AVR, halos wala nang bakanteng upuan sa may likuran. Dyahe naman kung pupunta ka sa may unahan na parang nag fa-fashion show lang tapos lilingon lahat nang “freshmen” na tila may halong kantsaw na “ayun may late.” Tsk tsk tsk.  First day of class pa lang naging center of attention ka na.
***
Ang aga ni Prof - nakatayo na sa podium nang entablado,tinatalakay ang  tungkol sa pag aaral nang batas at ang Pilosopiya na nakapaloob dito. Unang araw palang parang sumakit na ang ulo ko sa dami nang impormasyong nakuha ko. So ganito pala ang pag aabogasya? Siguro naman, sa dami naming pumasok ngayong taon, hindi ako nag iisang umakala na “orientation” lang ang mangyayari- Magpapakilala kung anong pangalan at kung saang paaralan nakapagtagpos nang undergrad. At sige na nga, isali na natin ang one million dollar question na “Why are you in law school?”
***
Bakit nga ba? Bakit nga ba tila marami ang na eenganyong mag Abogasya? Marami raming sagot narin akong narinig. May mga nagsabing bata pa lang sila ito na ang pinangarap nilang maging. Yung sagot sa tanong na “What do you want to be when you grow up?”Siguro matalinong mga bata ‘to?  Doktor lang kasi at pagiging bayani ang alam kong trabaho nung bata pa ako. Gusto ko lang kasing tumulad kang Dr. Jose Rizal eh. 

Mayroon ding mga nagsabi na pumasok sa law school dahil sa mga magulang nila. Ang karamihan gustong gumaya sa magulang, may mga nagpursige upang maipagmalaki nang magulang at ang iilan, itinulak lamang nang magulang. Ano ba talaga? Minsan talaga ang ibang magulang, nagiging ma-gu-lang. kahit alam naman nating gusto lang nila ang pinaka da-best para sa atin, minsan nakakainis parin. Aminin na natin na may mga pagkakataon na gusto naman nating magdesisyon para sa mga sarili natin at para mapatunayan nating kaya nating tumayo sa mga saril nating paa.

Hindi rin mawawala ang mga pumasok sa abogasya dahil sa karangalang makatulong sa bansa at sa kapwa. Sabi nga nang mga kilala kong abogado, ang pinaka punto pag aabogasya ay hustisya at ang pera ay “incidental” lamang. Sino nga ba namang hindi ma eenganyo kung may pera ka na tapos marami ka pang natutulungan diba?

At siyempre mayroon din namang pumasok sa pag aabogasya dahil wala lang magawa o dahil trip lang. Bakit ba? Hindi ba pwedeng pumasok sa Law School dahil gusto lang? Dapat talaga may lohikal na rason? Pwede ba? Walang basagan nang trip.

***

...to be continued.
copyright LAE July2013

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento