Sabado, Agosto 17, 2013

.003 (Kuwentong Kalye atbp)

Pinagdudugtong dugtong. Pinagdidikit dikit. Tinutugma tugma. Pinaglalaruan ang mga salita.

Ganyan lang naman siguro ka simple magsulat. Ang importante lang naman para sa karamihan ay maintindihan ang iyong binuong istorya. Pero malaki ang kaibahan nang simpleng pagpapahayag nang diwa sa pagpapahayag na may hinuha. Hindi madali ang magsulat na may kabig. Lalo na kung para sa henerasyon ngayon na sabi nga nila may "short attention span" o di kaya'y "ADHD". Aba aba aba… Dapat panatilihin mong kawili wili sa kanilang panlasa ang sinusulat mo kung hindi baka alikabok lamang ang maging matalik na kaibigan nang kwentong binuo mo.

Pero ano na nga ba ang mga librong patok ngayon? Naalala ko noong akoy nasa mataas na paaralan, salamanka o “magic” ang “in”. “Talk of the town” kung baga. Unang taon sa “highschool” nang sumikat si Harry Potter. “Weeng-gahr-dee-uhm Leh-vee-yo-za.” Kawawa ka kung hindi mo iyan alam. Parang sinabi mo na ring okay lang na “i-bully.”  Hindi ko kilala si Harry Potter noon pero hindi naman ako nag mukhang “weird”. Mas hindi ko nga maintindihan yong mga die hard fan ni Harry at ng mga kaibigan niyang mahilig umeskapo .Sila kaya ang tila galing sa ibang planeta. “Reh-dee-kyu-lous.”

Pagtungtong nang Kolehiyo, bampira at mga lobo naman ang naging paborito nang kabataan. Halos lahat nang kababaihan at kasama narin siguro ang mga babaeng nakulong sa katawan ni Adan ay minsang pinagnasahan ang bampirang si Edward. Si Edward na misteryoso. Si Edward na tahimik. Si Edward na kumikinang. May ari "Pawnshop" malamang... At siyempre kung may Edward ay mayroon din namang Bella na ika nga nang mga matanda tila may balat sa puwit. Ang babaeng kahit saan magpunta ay may kasamang gulo. Dinamay pa ang buong angkan nang mga bampira at lobo. Tsk tsk tsk. Siyempre huwag din naman nating kalimutan si Jacob na kung tutuusin ay “hunk” din naman. Akalain mo, kung hindi dahil sa kanya, hindi rin siguro napansin nang karamihan na may buwan pala. Maraming beses din kaya akong nakarinig nang mga babaeng naghahagikgikan dahil ika nga nila palabas na si Jacob dahil bilog ang buwan. Kabataan nga naman.

Eh Paano naman ngayon? Anong libro ba ang pinagkakaguluhan nang bagong henerasyon? Siguro mahaba habang listahan din ang maibibigay ko. Iba’t ibang libro mula sa iba’t ibang kategorya. May fifty shades of grey o di kaya’y Percy Jackson. Pwede rin ang Hunger Games o ang seryeng Game of Thrones. Baka the fault in our stars? Pero sige na nga. Wala ng basagan nang trip. Ako din naman may sariling mga paborito - may mga librong pinagtyagaang tapusin at mayroon ding mga di bale nalang. Pero sa dami nang nabasa kong libro mula sa iba’t ibang kategorya ay di ko parin maiwasang mamangha sa bawat paltik ko nang pahina. Hindi nauubos ang magandang istorya. 

#01222013

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento