Linggo, Agosto 25, 2013

.005 (Kwentong kalye atbp.)

Sabi nga nang nakatatanda kong kapatid,masyadong OA daw kung gumamit nang papel ang Law School. Sa dami nang binababasa nang mga estudyante sa araw araw eh di mo maiwasang maitanong kung ilang puno na kaya ang katumbas ng tumpok nang papel na nagagamit sa araw araw. Pero kung tatanungin din siguro ang mga Abogado eh "justifiable" lang din naman ito. Eh kung para rin naman sa isang marangal na pakikibaka at pananaliksik para sa hustisya di ba? O Sige na nga...

Napag usapan narin naman natin ang sandamakmak na pirasong papel na naglalaman nang husga nang ating kataas taasang hukuman eh lubus lubusin nalang din natin ang ating chikahan ukol dito. Hindi mo ito maiaalis sa buhay nang isang estudyanteng nais maging Abogado.

Pero hindi rin naman sa lahat nang panahon ay sakit sa ulo ang pagbabasa nang Supreme Court Decisions. Nakakaaliw rin naman itong basahin. May nakakainis, may nakakaiyak at siyempre di rin mawawala yung iilang wala lang talagang kwenta, na kung iisipan mo naman ay napa konting problemang pinalaki lamang. May mga pagkakataon ding hindi mo maiwasang mamangha, baka ang binabasa mo pala'y may kinalaman sa ilang dekada nang kasaysayan nang iyong kinatatayuan o di naman kayay maliit na bahagi na nang buhay nang iyong kapitbahay. Dito, para ka lamang nagbabasa nang isang nobela - may bida, may kontrabida at siyempre may pang gulo pandagdag istorya.

Pero hindi naman ang pagbabasa ang nagbibigay nang sakit ng ulo nang mga estudyante. Bago pa lamang pumasok sa Law School ay siguro alam naman nang lahat na kailangan mong magsunog ng kilay kung gusto mong humanay sa mga pinakamagagaling na manananggol ng bansa. Ang pinuputok nang butsi nang mga estudyante ay ang oras.  Sa dami nang babasahin ay tila gusto mo nang huminto ang oras hanggang matapos mo ito lahat. Minsan dagdag torture pa ang pinagsabay sabay na babasahin sa major subjects na hindi mo alam kung alin ang dapat unahin.

Pero di rin naman sa lahat nang panahon eh kaaway nang isang law student  ang oras. may mga panahon din namang gusto naming bumilis ang takbo nang panahon. Isang konkretong halimbawa na nito ang mga makapanindig balahibong oral recitations.

08252013
copyright LAE August 2013

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento